‘Bulacan, Pampanga, Maynila posibleng lumubog sa baha’
MALOLOS—Halos buong Bulacan, kasama ang pitong bayan at lungsod sa Pampanga at tatlo pa sa kalakhang Maynila ang lulubog sa baha.
Ito ang maaaring mangyari kung masisira ang dike ng Angat Dam sanhi ng malakas lindol na hatid ng posibleng paggalaw ng West Marikina Valley Faultline (WMVF) anumang oras, ayon sa Tonkin and Taylor International.
Ang Tonkin and Taylor ay ang kumpanyang kinontrata ng Power Sector Assets and Liabilities (PSALM) upang magsagawa ng pag-aaral sa katatagan ng 43-taong Angat Dam.
Batay sa inisyal na ulat ng Tonkin and Taylor, lulubog sa 10 hanggang 30 metrong lalim ng tubig ang mga barangay ng mga bayan ng Norzagaray, Bustos, Baliuag at San Rafael na nasa gilid ng Ilog Angat kapag nabugta ang dike ng Angat Dam.
Ang ilan namang barangay sa mga bayan ng Sta. Maria, Bustos. San Rafael at Baliuag ay posibleng lumubog sa bahang may lalim na lima hanggang 10 metro.
Habang lumalawak naman ang pagkalat ng tubig na raragasa, lulubog sa isa hanggang limang metrong tubig ang mga barangay na aabutin.
Batay sa pagtaya ng Tonkin and Taylor, ang mga barangay na may layong 13 hanggang 27 kilometro mula sa Bustos Dam ay maaring maapektuhan ng pagbaha.
Kabilang dito ay ang mga barangay sa bayan ng San Ildefonso, San Miguel, hanggang sa hilaga nito tulad ng mga barangay sa mga bayan ng San Luis, Candaba, Arayat, Mexico, Apalit, Macabebe, Masantol sa lalawigan ng Pampanga.
Maging ang mga bayan ng Hagonoy, Paombong, Calumpit, Pulilan, Plaridel, Guiguinto, Bocaue, Pandi, Balagtas, Bulakan, Obando, Marilao, at mga Lungsod ng Malolos at Meycauayan ay lulubog din; kabilang ang ilang barangay sa mga Lungsod ng Valenzuela at Malabon sa kalakhang Maynila.
Ayon sa pag-aaral ng Tonkin and Taylor, posibleng mangyari ang pagbahang ito kung ang dike ng dam ay masisira dahil sa lindol na hatid ng paggalaw ng WMVF.
Ito ay dahil sa ang pangunahing dike ng Angat Dam ay nakaupo sa dalawang sanga o mas makipot na bitak sa ilalim ng lupa na bahagi ng WMVF.
Batay sa mas naunang pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, anumang oras ay maaaring gumalaw ang WMVF at posibleng maghatid ng lindol na may lakas na 7.2.
Sa paggalaw ng WMVF, possible ring gumalaw ang sangang bitak nito sa ilalim ng dike ng Angat Dam na maaari ding maging sanhi ng pagkasira nito.
Batay sa mas naunang paliwanag ni Inhiyero Roderick Del Cruz, isang dam safety engineer ng Southern California Edison na nagmula sa bayan ng Hagonoy, ang paggalaw ng lupa sanhi ng lindol ay posibleng magbunga ng “piping” o maliit na butas sa dike.
Ayon kay Dela Cruz, sa umpisa, ang “piping” karaniwang maliit lamang, ngunit dahil sa dinadaluyan ito ng tubig mula sa loob ng dam, lumalaki ito at nagiging sanhi ng pagkabugta o pagkabuwag ng dikeng pumipigil sa tubig na naipon sa loob ng dam.
Kapag tuluyang nabuwag ang dike ng dam, raragasa ang tubig at mapipinsala ang lahat sa daraanan nito.
“Sa Amerika, may mga cases ng dam break, at minuto lang halos ang itinatagal bago humupa ang pagragasa ng tubig, pero sapat na iyon para masalanta ang bilyon-bilyong halaga ng ari-arian,” ani Dela Cruz.
Batay naman sa resulta ng pag-aaral ng Tonkin and Taylor sa Angat Dam, kapag nasira ang dike nito, raragasa ang tubig na may lalim na 10 hanggang 30 metro sa kahabaan ng Ilog Angat mula sa dam hanggang sa Bustos Dam.
Dahil sa nakaharang ang Bustos Dam sa Ilog Angat, posibleng umahon sa magkabilang gilid ng ilog ang tubig na rumagasa mula sa dam, na siyang magpapalubog sa mga barangay ng ibat-ibang bayan.
Sa gawing silangan ng Ilog Angat ay ang mga bayan ng San Rafael, San Ildefonso hanggang San Miguel, sa Kanluran ng ilog ay ang mga bayan ng Bustos, Pandi, Sta. Maria, Balagtas, Guiguinto, Malolos, Paombong at Hagonoy.
Tinataya ring mapipinsala ang malaking bahagi ng Baliuag at mga bayan ng Pampanga sa hilaga nito dahil sa pag-apaw ng Ilog Angat sa bahagi ng Baliuag.
Ang Ilog Angat ay lumiko pakanan sa Baliuag mula sa Bustos, kaya’t tinatayang masasapul ang kabayanan nito.
Para naman kay Bro. Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Environment Society, maaaring ang Bulacan at Pampanga ang magdusa sa inisyal na pinsalang hatid ng biglang pagbaha na bunga ng posibleng pagkasira ng dam.
Ngunit ayon kay Francisco, higit na magdurusa ang kalakhang Maynila kapag nagtagal dahil sa posibilidad na kapusin ito ng tubig inumin kapag nabugta ang dike ng dam at tumapon ang tubig na nakatinggal doon.
Inayunan din ito ni Gob. Wilhelmino Alvarado, ngunit nagpahayag siya ng pangamba sa trahedyang ihahatid nito sa libo libong Bulakenyo maaaring masawi.
“Kailangang kumilos tayo ngayon at magdasal na huwag lumidol at huwag masira ang dam, dahil kapag nangyari yan, wala na tayong magagawa, baka sa South China Sea na tayo magdebate,” ani ng punong lalawigan.
http://punto.com.ph/News/Article/13975/Volume-5-No-138/Headlines/%E2%80%98Bulacan-Pampanga-Maynila-posibleng-lumubog-sa-baha%E2%80%99
Generally regarded as is a place of leisure and the best hotel in the North near Manila as well as the top beach resort in Clark, Clearwater maintains a consistent standard with respect to products and services. This hotel in Pampanga may not be a 5-star resort but visitors from Manila going to Angeles City and Clark Freeport regard Clearwater as the number one location for family outings, leisure destination as well as the best event venue for company outings, weddings and other events.
Comparison of crime rates between Philippines Angeles City and Clark Pampanga sheds light on the difference between the twin cities of Pampanga. Regular guests of Angeles City Hotels begin to migrate on base into hotels inside Clark Philippines not only for peace and quiet but peace of mind and a sense of safety and security.
To many visitors from Manila, a good hotel in Pampanga must be located in a city that is safe, clean and not so noisy. This hotel in Clark Philippines really fits those criteria.
Where to stay in Clark, Philippines?
Pampanga’s Clearwater is generally regarded as the best private resort in Clark, Philippines. This beach hotel is the most frequently visited private resort outside Manila for corporate planning because of its exclusivity. Clearwater is one of the best hotel in Clark and the resort is a very popular venue for rest and relaxation especially for golfers after a round of golf at one of the best golf courses near Manila. Clark is home to some of the best golf courses in Pampanga. Although golf continues to be one of the reasons why visitors from Manila travel to Pampanga, residents of Angeles City, Subic and Bulacan travel to Clark not just to play golf in one of the best golf courses in Pampanga but also to relax and unwind in the best resort in Philippines.
Guests enjoy spending time relaxing in leisure at Frolic Garden of this hotel in Clark Pampanga. There is a special feeling in this hotel in Clark Philippines makes you slow down and enjoy the ambience. Children like playing in the Family Cove of this Clark resort hotel. Hotel guests prefer Clark over Angeles City, Subic or hotel in Manila. This hotel in Clark Philippines has style and character. Guests often come back again to relax and enjoy the beautiful ambience of this hotel in Clark Pampanga.
For reservations, comments and inquiries,
Clearwater Resort & Country Club
Creekside Road corner of Centennial Road,
Central Business District, Clark Freeport Zone,
Pampanga, Philippines 2023
Tel: (045)599-5949 0917-520-4403 0922-870-5177
Manila Sales Office
3003C East Tower, Phil Stock Exchange Center,
Exchange Rd Ortigas Metro Manila, Philippines 1605
(632) 633-1566 0917-520-4393 Rea or Chay or Kristine
http://www.ClearwaterPhilippines.com
Email: Inquiry@ClearwaterPhilippines.com
Getting to this hotel in Clark Philippines
After entering Clark Freeport from Subic, Manila, Dau and Angeles City, proceed straight along Clark’s main highway MA Roxas, passing Clark’s largest wine shop called Clark Wine Center on your right, continue to bear right making no turns at all, go past Mimosa Leisure Estate on the opposite side of the road, you will hit a major intersection. Go straight and the road becomes Creekside Road. YATS Clearwater Resort and Country Club is on your right just 200m down. Traffic in Clark Philippines is light so it should be quite easy for get to this hotel in Clark Philippines.
For inquiries and bookings, click here to contact Clearwater Resort now
Wedding couples looking for wedding reception venues and beach wedding venues can log on to this Philippines Wedding Venue web site for free information and assistance:
http://www.PhilippinesWeddingVenue.com
While in Clark, it might be a good idea to enjoy an evening of wine-and-dine in the fine dining Yats Restaurant and Wine Bar that features an award winning 2700-line wine list. It is located in Mimosa Leisure Estate of Clark Freeport Zone. For more information, visit http://www.YatsRestaurant.com
YATS Leisure Philippines is a developer and operator of clubs, resorts and high-class restaurants and wine shops in Clark Angeles Philippines http://www.YatsLeisure.com
While in Clark, one might as well add to the itinerary a visit to the famous Clark Wine Center, the largest wine shop in Philippines which offers over 2000 selections of fine vintage wine from all wine regions, vintages spanning over 50 years covering all price ranges.
http://www.ClarkWineCenter.com
Looking for famous tourists spots, places to visit and see, relax and unwind in Clark, Pampanga, Philippines? You may want to check out these sites also:
http://www.HotelClarkPhilippines.com
http://www.ClarkPhilippines.com
http://www.YatsWineCellars.com
For jobs and business investment opportunities in the Philippines please visit http://www.yilp.com
Leave a Reply
Want to join the discussion?Feel free to contribute!